ILAW NA LAGI MONG HATID
(O MARAHIL, AWIT NG PAG-IBIG
SA PAKIKIBAKA)
- Musika at titik: Nonilon V. Queano/Aug.-Dec. 2014
Kahit sansaglit lang nakasama
kita
Sa isang panahon ng
pakikibaka
Di naman kailangan na
magtatagal pa
Sapat na ang minsan’y nadama
Kahit na lumayo at maglahong
ganap
Sapat ang gunitang ikaw ay
nayakap
Sa muling paglayo’y walang
matitiyak
Liban sa paglaya ng lahat
Ilaw na lagi mong hatid
Sa bayang iniibig
Liwanag sa madaling araw
Na paglaya’y makakamit
Sa muling paglakad at
pagkakalayo
Ang tangi kong tanglaw ay ating pagsuyo
Di naman kailangan na muling
mangako
Kahit na ang lahat maglaho
Kahit na lumisan
pagdadapithapon
At buong magdamag di na mahimatong
Sa bagong umaga ng mga pagsulong
Sapat nang ikaw ay naroon
Ilaw na lagi mong hatid
Sa bayang iniibig
Liwanag sa madaling araw
Na paglaya’y makakamit
No comments:
Post a Comment