Sunday, November 30, 2014



AWIT NA ALAY SA MGA KABATAANG MARTIR NG REBOLUSYON
- Orihinal na komposisyon (musika at liriko) ni NONILON V. QUEANO/ 28 November 2014

Papaano ba mawala yaong kalungkutan
Sa pagpanaw ng mga kasamang minahal
Mga anak na namulat
Sa hirap ng bayan
Nakasama isang saglit sa paglaban.

Anong tulang iaalay mahal na bayani
Mga apoy na biglang nagliyab sa gabi
Mga bulaklak at  batis
Sa gitna ng digma
Lagi’t laging inaawit
Ay paglaya

Kadakilaang niluwal sa parang at gubat
Bagong sibol na bayaning labis na niliyag/inirog
Alaala ng sandaling/ mga araw nating paghahanap
Sa puso ng sambayanan’y nagpaaalab

Hindi naman nawawaglit panata’t pag-ibig
Habang imperyalismo ay nanlulupig
Kadakilaang nalibing
Sa gabing pusikit
Sa umaga ng paglaya’y

Ititindig

No comments:

Post a Comment