TULANG-MURA SA AMPATUAN
(Sa paggunita ng 58 biktima ng masaker sa Ampatuan)
- NONILON V. QUEANO/25Nobyembre2010
(Sa paggunita ng 58 biktima ng masaker sa Ampatuan)
- NONILON V. QUEANO/25Nobyembre2010
Kung paano nginatngat ng daga
O pinapak ng ipis ang utak ng Ampatuan,
Hirap maintindi,
Mapapatawad mo pa ang babaero o lalakerang
Nagmahal ng 58,
(Kahit may katok, pagmamahal pa rin,
Dahil awit nga ni Lola Pilita,
Tao lamang kaya titibukan sa puso o o puson o hita)
Pero put....ina mo, anak ng demonyo ka
Na basta rumatrat lang ng 58 walang malay,
Put.... ama mo, hayop ka
(Pasintabi sa hayop na walang malay din,
Bakit nga ba hayop na turingan ang di asal-tao?)
Mamatay ka sana’t ngayon din’y
Kantutin ng diablo sa ulo!
Masahol ka pa kay Hanibal,
Hudas, Mephisto
Put... ama mo
Di ko nga maisip kung kanino
Masahol ka pa
Kantutin ng diablo sa ulo!
Masahol ka pa kay Hanibal,
Hudas, Mephisto
Put... ama mo
Di ko nga maisip kung kanino
Masahol ka pa
Ngunit ako’y malungkot talaga
Put.... na mo, put.... ma mo
Anak Arr...yo ka, Ampatuan ka, sino ka ba
Berdugong duwag, haring daga
(Pasintabi sa daga),
Bakit minasaker mo ang kapamilya’t kapuso ko,
Pinatay mo asawa ko, anak ko, nanay ko,
Mahal ko, kaibigan ko,
Kamanunulat, kamakata, kabaro, kasaya ko
Malungkot ako talaga!
Put... na mo, put...ma mo!
Demonyo demonyo demonyo ka talaga!
Put.... na mo, put.... ma mo
Anak Arr...yo ka, Ampatuan ka, sino ka ba
Berdugong duwag, haring daga
(Pasintabi sa daga),
Bakit minasaker mo ang kapamilya’t kapuso ko,
Pinatay mo asawa ko, anak ko, nanay ko,
Mahal ko, kaibigan ko,
Kamanunulat, kamakata, kabaro, kasaya ko
Malungkot ako talaga!
Put... na mo, put...ma mo!
Demonyo demonyo demonyo ka talaga!
At ikaw P-noy,
Naturingan kang presidente
Anong nginingitingiti mo’t tinatangatanga
Nginatngat na rin ang utak mo?
Di ko alam kung titingin ba sa langit o sa bundok
Sa pagsigaw ng hustisya:
Tandaan mo ang lungkot ko!
Tandaan mo ang galit ko!
Naturingan kang presidente
Anong nginingitingiti mo’t tinatangatanga
Nginatngat na rin ang utak mo?
Di ko alam kung titingin ba sa langit o sa bundok
Sa pagsigaw ng hustisya:
Tandaan mo ang lungkot ko!
Tandaan mo ang galit ko!
No comments:
Post a Comment