PAPAANO BA PALISIN ANG KALUNGKUTAN
Papaano ba mawala ang kalungkutan
Sa pagpanaw ng mga kasamang minahal
Mga anak na namulat
Sa eskuwela't sa lansangan
Sa sang-iglap na pangarap ng mithiing
Kalayaan
Mga bulaklak at batis
Sa landas ng digmang bayan
Liwanag na nagliliyab
Papaano parangalan bagong bayani
Malikmatang biglang liwanag sa gabi
Sa sandaling nakasama
Sa pagkalinga sa masa
Lagi't laging maasayang inaawit
Ay paglaya
Kadakilaang pumalaot sa parang at gubat
Kabayanihang nakintal sa gunita ng paglakad
Bagong sibol na kasamang aming nililiyag
Ang buhay na ibinuwis sa mithiin'y magniningas
Nakadambana sa puso ang alaala
Pati ngiti at ligayang pinadama
Hindi naman nawawaglit
Ang panata at pag-ibig
Sambayanan 'y magbabangon kalayaan'y
Makkamit.
No comments:
Post a Comment