Wednesday, October 27, 2010

TAO, ANONG KARAPATAN MO ANG NILABAG NILA NGAYON?

TAO, ANONG KARAPATAN MO ANG NILABAG NILA NGAYON?
- Nonilon V. Queano/27Oktubre2010

Ninakawan ka ba ng laya,
Binusalan ba ang bibig
Nang magsabi ng totoo,
Inalipin, ginahasa ng amo mo,
Kinulangan ng suweldo,
Tinatratong parang hayop,

Pinasamba sa diyos nilang hindi sa ‘yo,
Pinalayas, sinunog ba ang bahay mo,
Pinatay ba o dinukot ang ‘yong anak
O asawa o ang mahal mo na lumaban at nangarap.

Tao,
Karapatan mo na mabuhay nang payapa
Karapatan mong lumigaya nang may dangal at malaya!

BAHAGHARI

BAHAGHARI
- Nonilon V. Queano/27Oktubre2010

Ngiti sana ang salubong
Sa karit ng bahagharing
Pinaduklay ng tikbalang,
Awit sana sa ganda ng sabunot
Ng habagat na palayan.

Ngunit pagal na ang puso,
Hilam sa gutom ang mata,
Humal ang dilang aawit,
Kaya karit ng dilag na bahaghari
Pantatagpas sa gahaman.

Wednesday, October 20, 2010

THE BEAUTY OF THE STRUGGLE

THE BEAUTY 0F THE STRUGGLE
(For Tanya, Kimberly, Ian* and all our young comrades and heroes of the revolution)
-  By NONILON V. QUEANO/ 4 February 2010

The beauty of the struggle is as that of mountains
Forests, rivers
Where dreams of freedom explode
In song upon the lips of our most beloved young comrades.
They drew with their hearts
Of fire and love on the people’s canvass

The most pure searing light that flashed on wasted faces
Of women and children;
The sheen on fallen workers’ blood;
Limned landscapes of ashen rains
Falling on bones, peasant huts, hovels;
Bodies tearing in hunger hues of bile green
Pale yellow, livid gray,
And the unquiet night.

Truly, were it but painting, poem or song,
A revolution would have been exquisite
As a white sea, a purple mountain, a violet sky,
And the dulcet smiles of Tanyas, Kimberlys,  Ians
And friends and heroes we fondly remember
Posing with the masses with their paintbrushes, pens, and guns.

But it is true.
The enemies prowl the night like ghouls
Spraying bullets on those who love most purely:
The poets and singers of the revolution
Who fought with us on the eternal day;
And it is true that we feel pain,
That we cry with raised fists to honor their memory,
That we will hold the gun with more passion and grace,
Exquisitely as in a painting, song, or poem on the people’s canvass
Drawn by young heroes and warriors who’ll come after us
Signing the wind with love and fire,
Fighting unendingly,
Until the dawn of freedom.


*Tanya Domingo, 20, and Ian Dorado, 19, were U.P. Diliman Fine Arts students who did cultural work with the masses of Brgy. Sta. Rita in Bulacan and were killed by the military on January 15, 2010.  Kimberly “Kimay” Jule Luna was a student leader at MSU-IIT, Iligan City, who went underground and was killed by soldiers in December 2009.

Friday, October 15, 2010

ASYENDA

ASYENDA
-Nonilon V. Queano/16Oktubre2010

Ako’y isinilang, lumaki’t tumanda
Sa asyendang bukid ng aking ninuno
Mundo’y do’n gumulong, tulad sa gunita
Tinagpas ng hirap, kinain ng laho

Ang musmos na hubo at hubad sa araw
May kuwerdas ang dibdib, ang balat ay hapit
Patinga-tingala at palagaw-lagaw
Limot kung kailan kumita ng langit

Ang inang kumandong sa kaniyang anak
Sa oras ng gutom, sakit, pagtitiis
Minsan’y sakada rin, halibas ay itak
Lahat pati puso’y sinimpan sa hapis

Ang amang nahutok sa pakikitalad
Sa hirap at pagod, gutom, pagdarahop
Nag-asam ng laya, nangarap lumipad
Ngunit mula’t mula’y kalos na ang salop

Walang ibabagwis ang sahod-pulubi
Ipupugal lamang nang paikot-ikot
Paano uusad kung ni ang pambili
Ng pagkain, damit, lahat di masimot

Ganito ang buhay sa asyenda namin
Bawa’t henerasyon’y kuwentong susulatin
Mistulang bilanggo kung aming limiin
At ang kuwentong ito’y uulit-ulitin

Subalit mayroong bagong pangyayari
Nitong huling araw na di pa nasulat
Mga manggagawa sa asyenda dini
Ang nagsibalikwas tila nangamulat

Kasabay din noon may mga nautas
Sa putok ng baril ng guwardiyang bayaran
Ngunit hudyat yaon ng lalong paglakas
Ng kilos protesta dito sa tubuhan

Yaong kuwentong yaon'y nais kong awitin
Ilalahad bukas at sana’y limiin,
Yaon din ang araw na sa papawirin
Sana’y makalipad kauring alipin.

ALL THE CHILDREN SING

ALL THE CHILDREN SING: IN PRAISE OF CHARICE, IYAZ, MILEY CYRUS, JUSTIN BIEBER, ET AL.
- Nonilon V. Queano

                        “All the children sing:
Hey, Bungalow Bill, what did you kill, Bungalow Bill?
Hey, Bungalow Bill, what did you kill, Bungalow Bill?”
                        - The Beatles, “Bungalow Bill”
                        -

The children will sing no matter what color
Through the winter haze or in summer anywhere
Though elsewhere skies tear up like black silk women wear in mourning
After the men shall have fallen in battle

But today is a feast of songs served on flaming platters by boys and girls,
A dredging of the soul in high notes, profound or shrill,
Rapping rolling thunders to high heavens, plumbing deep earth
And always certain of winning

The world has not seen such dazzling play of sound and colors
Since the old South, when, like black weeds, Mandingos picked magnolias,
And sparrows and canaries swooped down on cotton fields in dead heat.

It must be quite different now with children at the helm,
In motley tones of Charice, Iyaz, Justin Bieber, Myley Cyrus, Imparato
Filipinos, Americans, Canadians, Koreans, Italians, Europeans, etcetera
Singing mighty tunes of “We are the world,” “In This Song,” “Pyramid,” “The Climb,” etcetera
With David Foster, Oprah, Ellen, and the rest, in tow.

The children will sing no matter where
On “YouTube,” yes,
Where even men in orange outfit show off their dancing
To MJ’s “Thriller”
If singing were a weapon, Charice would now be Queen.

What a wonderful world, we’d say
But grown-ups never learn.
Elsewhere, bombs fall,
“Hurt lockers,” inhabit the desert mountains still,
The human heart dies in anger
Death comes certain as sun and rain
In that country, where music plays in gun blasts
And no poem rings
Elsewhere , in that country where children will but may not sing.

KAY BEATO

PAANO BANG ALALAHANIN: ALAY KAY BEATO, KAIBIGAN AT KASAMA
Noni V.Queano/26 Hunyo 2010


Papaano bang alalahanin ang kaibigan at kasama
Kaumpukan at kapulong sa paglaban
Minsan’y anak, minsan’y ama
At walang pasabi, tulad ng gawi ng karaniwan
Sukat na yayao na lamang na tila ba
Pupunta lang sa trabaho o mag-uula ng kalabaw
O mamamalakaya at sa hapon o umaga’y uuwi rin.

Hindi naman sa di natin maunawa,
Simple lang ‘yan sa diyalektika:
Bawa’t supling ng lupa, dagat, araw
Papagaspas, maglalayag, mananalamin, magmamahal, aawit
Tutugis ng liwanag, sa simula at sa rurok
Hanggang wakas.

Sa tao o bagay yao’y batas.
Bawa’t puno’y may panahong bumubuwal,
Tulad ng paslit na lumaki’t nagkamuwang
Na hamunin ang kidlat,
Tulad ng ama’t ina na sa gubat ay humanap ng pag-asa,
Sana nga masasabi ng naiwang
Babalik din ‘yan sa oras
Papauwi pagkaraang magtagumpay sa labanan.

Kaya saan nga ba ilulugar ang lungkot at dalamhati?
Ang tiyak lang, hindi batas ang tatatak sa gunita
Kundi araw-araw na pagkilos
Pagmamahal na kinuyom sa kamao,
Itinitik sa aklat ng bayang nagsipag-alsa
Ipinakalat sa binusabos na masa
Ikinasa sa gatilyo ng paglaban

Paano nga ba alalahanin ang kasama?
Maliban sa salaminin sa sininta niyang asawa at mga anak
Ang alab ng pagmamahal na lahat tayo’y nakadama,
Walang batas ng simula o ng wakas
At lalaging nagniningas,
Maliban sa ipangakong ang himagsik ng yumao’y
Sulong laging pagliliyabin
Hanggang laya’y pumalaot sa hugpungan
Ng huling pagbabangon, pangangarap at panata.

TAYO'Y ISANG HANAY

TAYO AY ISANG HANAY
(Para sa alaala ni Ka Alex Remollino, Ka Roda, at iba pang bayani ng rebolusyon)
-  NONILON V. QUEANO
    10 Setyembre 2010


Sapagkat tayo’y nagmahal nang wagas sa sinintang bayan,
Nagsilbi sa masa, nag-asam ng laya,
Doon’y nagkikita: may nanay at tatay,  may lolo at lola,
(Tulad ni Ka Roda),
At, mga kabataang
(Tulad ni Ka Alex)
Na suong ang buhay sa pakikibaka.
Walang nakabukod.
Kung hindi man armas,
Ang sukbit ay tula at awit,
Pinagbuklod tayo ng mga panata,
Tulad ng kay Rizal, Bonifacio, Gabriela
Lorena, Eman, Lerry, at maraming iba pa
(Sinlapad ang lista ng langit at lupa),
At ngayo’y,  tulad ni ka Alex,
Tulad ni Ka Roda
Tayo’y nabubuong isang hanay,
Walang nagtatanong kung saang uri nagbuhat
(Bagaman marami ay sa uring salat)
Di na mahalaga kung saan bang siglo o anong dekada
Nang magdalang-liwanag
At, tulad sa gabi ng mga pangarap,
Aawitin natin ang katotohanan at ipamumudmod
At pagsasaluhan,
At payayabungin na isang halaman
Hanggang mamutiktik ng bunga’t bulaklak.

Kung masa’y inapi, ginahasa, pinagnakawan, pinaslang
(Sa isang asyenda, bukirin, o saanmang pook trabahuhan )
Tayo’y libong sulong kagyat nagliliyab
Upang suhayan ang lakad ng bayan,
May mamumuno sa mga aklasan,
(Tulad ni Ka Roda),
Mayroong susulat,
(Katulad ni Alex,
Na ibibida ang bakbakan, ang mga nalagas, pinosasan
Paglago ng hanay, inaning tagumpay)
May aawit at tutula nang buong timyas sa pulang umaga
(Tulad ng Lorena o ng isang Eman)
Para ipaalam
Sa lahat ng lugal, sa lahat ng bayan.

Ngunit hindi bulag ang ating pagsuyo
(Alam natin ‘yan)
Tulad sa butil ng palay na tatahip-tahipin
Sa kumpas ng hangin,
Ipapalaala na lahat ng ito na pinagbuwisan--
Kawalang-hustisya, gutom, hirap,
Baluktot na isip, pagkagahaman, mga pagtataksil,
Kawalang-pag-asa, at pagkalugmok ng pinakadakila sa atin
Ay lagim na niluto sa kawa ng imperyalismong
Kumamkam sa lupa, langit, dagat
At bampira nganing, sisibain tayo hanggang kamatayan.

Subalit, may awit sa mga puso nating di maparam-param;
Di mapugto ang ngiti tuwing may tagumpay,
Tula’y walang ubos kahit na sa bukas
Muli tayong umang sa pakikilaban
A, sa rebolusyon, walang kahulilip ang kaligayahan.

Mayroon ding araw
(Katulad ng ngayon)
Na kalat ang dilim, tila ba uulan
May unos ba kaya?
Puso’y nagluluksa,
At ang dalamhati’y malamig na hanging humihihip-hihip,
Mayroon ding araw
Na buhos ng luha’y ating pipigilin,
Kapag may kasamang nalagas  na akala natin’y laging naririyan,
Kapag may makatang, katulad ni Alex,
O may  manggagawang minahal ng labis, tulad ni Ka Roda
Na habang panahong kaaga-agapay ay bibiglang lilisan
Mayroon ding araw na puspos ng lungkot,
Ngunit lilipas din.
Tulad din sa lahat ng bayang pinaslang,
Pamuling aawit, pamuling tutula, pamuling susulong sa pakikibaka
Tayong isang hanay.