Wednesday, October 27, 2010

BAHAGHARI

BAHAGHARI
- Nonilon V. Queano/27Oktubre2010

Ngiti sana ang salubong
Sa karit ng bahagharing
Pinaduklay ng tikbalang,
Awit sana sa ganda ng sabunot
Ng habagat na palayan.

Ngunit pagal na ang puso,
Hilam sa gutom ang mata,
Humal ang dilang aawit,
Kaya karit ng dilag na bahaghari
Pantatagpas sa gahaman.

1 comment:

  1. Re tikbalang: May kuwento ang matatanda na pag magkasabay na may ulan at araw, naliligo ang tikbalang.

    ReplyDelete