Wednesday, December 10, 2014




ILAW NA LAGI MONG HATID
(O MARAHIL, AWIT NG PAG-IBIG SA PAKIKIBAKA)
- Musika at titik:  Nonilon V. Queano/Aug.-Dec. 2014

Kahit sansaglit lang nakasama kita
Sa isang panahon ng pakikibaka
Di naman kailangan na magtatagal pa
Sapat na ang minsan’y nadama

Kahit na lumayo at maglahong ganap
Sapat ang gunitang ikaw ay nayakap
Sa muling paglayo’y walang matitiyak
Liban sa paglaya ng lahat

Ilaw na lagi mong hatid
Sa bayang iniibig
Liwanag sa madaling araw
Na paglaya’y makakamit

Sa muling paglakad at pagkakalayo
Ang tangi kong tanglaw  ay ating pagsuyo
Di naman kailangan na muling mangako
Kahit na ang lahat maglaho

Kahit na lumisan pagdadapithapon
At buong magdamag di na  mahimatong
Sa bagong umaga ng mga pagsulong
Sapat nang ikaw ay naroon

Ilaw na lagi mong hatid
Sa bayang iniibig
Liwanag sa madaling araw

Na paglaya’y makakamit

Friday, December 5, 2014




HACIENDA LUISITA
- Original music and lyrics:  Nonilon V. Queano/4-6Dec.2014

Sulong, inaaping mangagawa
Ng Hacienda Luisita
Reporma sa lupa’y ipaglaban
At hanapin ang hustisya
Tayo’y isang hanay na malaong dinahas
Ng bayarang mga sundalo nila
Ngunit hindi uurong
Hanggang sa tagumpay
At hanggang sa paglaya

Sulong,  magsasakang nakibaka
Sa Hacienda Luisita
At hindi kailanman malilimot
Ang pinaslang na kasama
Tayo’y isang uri na malaong dinahas
Nalugmok at nilalatay sa hirap
Ngunit may tanging araw
Na sa atin’y daratal
Ang kalayaang hanap.

Sa mahabang panahon na lumalaban
Ang asyendero’y lalong nanggahaman
Ngunit ang lahat ay magwawakas
At kalayaan/y makakamtan


Hindi tayo titigil

Wednesday, December 3, 2014

HACIENDA LUISITA /under construction





HACIENDA LUISITA
- Musika at titik:  Nonilon V. Queano/4Dec.2014

Sulong, mga inaping manggagawa
Ng Hacienda Luisita
Reporma sa lupa’y ipaglaban
At hanapin ang hustisya
Tayo’y isang hanay na malaong dinahas
Ng bayarang mga sundalo nila
Ngunit hindi uurong
Hanggang sa tagumpay
At hanggang sa paglaya

Alalahanin silang nangabuwal
Sa masanting na tag-init
Sa panngangarap ay nangag-alay
Ng maalab na pag-ibig
Tayo’y isang uri na malaong busabos
Sa hirap aylaging ipinipiit
Ngunit may tanging araw
Sa ati’y darating
Sa payapang daigdig


Sunday, November 30, 2014



AWIT NA ALAY SA MGA KABATAANG MARTIR NG REBOLUSYON
- Orihinal na komposisyon (musika at liriko) ni NONILON V. QUEANO/ 28 November 2014

Papaano ba mawala yaong kalungkutan
Sa pagpanaw ng mga kasamang minahal
Mga anak na namulat
Sa hirap ng bayan
Nakasama isang saglit sa paglaban.

Anong tulang iaalay mahal na bayani
Mga apoy na biglang nagliyab sa gabi
Mga bulaklak at  batis
Sa gitna ng digma
Lagi’t laging inaawit
Ay paglaya

Kadakilaang niluwal sa parang at gubat
Bagong sibol na bayaning labis na niliyag/inirog
Alaala ng sandaling/ mga araw nating paghahanap
Sa puso ng sambayanan’y nagpaaalab

Hindi naman nawawaglit panata’t pag-ibig
Habang imperyalismo ay nanlulupig
Kadakilaang nalibing
Sa gabing pusikit
Sa umaga ng paglaya’y

Ititindig

Thursday, November 27, 2014

PAPAANO BA PALISIN ANG KALUNGKUTAN

PAPAANO BA PALISIN ANG KALUNGKUTAN


Papaano ba mawala ang kalungkutan
Sa pagpanaw ng mga kasamang minahal
Mga anak na namulat
Sa eskuwela't sa lansangan
Sa sang-iglap na pangarap ng mithiing
Kalayaan

Mga bulaklak at batis
Sa landas ng digmang bayan
Liwanag na nagliliyab

Papaano parangalan bagong bayani
Malikmatang biglang liwanag sa gabi
Sa sandaling nakasama
Sa pagkalinga sa masa
Lagi't laging maasayang inaawit
Ay paglaya

Kadakilaang pumalaot sa parang at gubat
Kabayanihang nakintal sa gunita ng paglakad
Bagong sibol na kasamang aming  nililiyag
Ang buhay na ibinuwis sa mithiin'y magniningas

Nakadambana sa puso ang alaala
Pati ngiti at ligayang pinadama
Hindi naman nawawaglit
Ang panata at pag-ibig
Sambayanan 'y magbabangon  kalayaan'y
Makkamit.



SADYANG O KAY BILIS (Alay sa mga ksbastaang bayani ng rebolusyon). Music and Lyrics: Nonilon V, Queano/Composed in Oct.-Nov., 2014)

SADYANG O KAY BILIS
(Alay sa mga Kabataang bayani ng Rebolusyon)

Sadyang o kay bilis ng mga panahon
Aandap-andap bang ilaw na nagdikit


Monday, November 24, 2014

TULANG-MURA SA AMPATUAN
(Sa paggunita ng 58 biktima ng masaker sa Ampatuan)
- NONILON V. QUEANO/25Nobyembre2010

Kung paano nginatngat ng daga
O pinapak ng ipis ang utak ng Ampatuan,
Hirap maintindi,
Mapapatawad mo pa ang babaero o lalakerang
Nagmahal ng 58,
(Kahit may katok, pagmamahal pa rin,
Dahil awit nga ni Lola Pilita,
Tao lamang kaya titibukan sa puso o o puson o hita)
Pero put....ina mo, anak ng demonyo ka
Na basta rumatrat lang ng 58 walang malay,
Put.... ama mo, hayop ka
(Pasintabi sa hayop na walang malay din,
Bakit nga ba hayop na turingan ang di asal-tao?)
Mamatay ka sana’t ngayon din’y
Kantutin ng diablo sa ulo!
Masahol ka pa kay Hanibal,
Hudas, Mephisto
Put... ama mo
Di ko nga maisip kung kanino
Masahol ka pa
Ngunit ako’y malungkot talaga
Put.... na mo, put.... ma mo
Anak Arr...yo ka, Ampatuan ka, sino ka ba
Berdugong duwag, haring daga
(Pasintabi sa daga),
Bakit minasaker mo ang kapamilya’t kapuso ko,
Pinatay mo asawa ko, anak ko, nanay ko,
Mahal ko, kaibigan ko,
Kamanunulat, kamakata, kabaro, kasaya ko
Malungkot ako talaga!
Put... na mo, put...ma mo!
Demonyo demonyo demonyo ka talaga!
At ikaw P-noy,
Naturingan kang presidente
Anong nginingitingiti mo’t tinatangatanga
Nginatngat na rin ang utak mo?
Di ko alam kung titingin ba sa langit o sa bundok
Sa pagsigaw ng hustisya:
Tandaan mo ang lungkot ko!
Tandaan mo ang galit ko!

Sunday, November 23, 2014

The title of the blog came from the last line of a saccharine :) poem which I wrote in 2007. The poem goes:

FOR HER WHEREVER SHE MAY BE
-  NONILON V. QUEANO

The way she laughs and teases you is essential beauty
Like of a child’s giggling or of an angel’s hug,
A shower of daisies, poinsettias, wild roses,
A lay spinning in the head to early dawn,
And yet I wouldn’t know, how could I guess

The way she tilts her head compels you to near fall,
Some virtual play of ring-a-ring o’ roses
Perhaps a tightrope walk, or grand trapeze
Or simply her gliding about in arabesque
Ah, but how would I know, how could I ever guess

The way she winds around you is essential grip
Lightly, a zephyr playing or some piece of wind
And her fair arm as she breathes down your face
Entwining, caressing, holding you in thrall
The way a gust blows quietly before a squall

And all I can surmise is that there is a girl
Somewhere who flits around and flies and soars
The way of skies and seas, flowers, the sun and moon,
I know, though I set out to go and drift away
Still I’ll keep dreaming of her sometime, somewhere
THREE CHAPTERS OF LOVE OR HOW IT IS TO LOVE TRULY
(In memory of Kasamang Aileen)
- Nonilon V. Queano/3October2010

(Revised and edited on Nov. 24, 2014)

First, we who truly love
Need unfetter our minds
Across the empire's wide expanse,
Like meteor,
Blazing through the darkest nights with bursts of light,
So the heart could be a ball of fire drilling into forests,
Or wherever the beloved has hid,
Love grows only in light.
Second, the work always kept alive:
Educating the masses
On how imperialism has brought suffering and injustice
Everywhere,
Across every space;
Tearing down the metaphysic
Which proclaimed that all poverty, suffering, and ignorance
Had been decreed by God in heaven,
Even if clearly God was the businessman
Who amassed wealth from plunder
Of mines, farmlands, weaving houses, cookeries
That belonged to us who had prayed, knelt in worship,
Were turned down, were devastated
By the wicked lie that they spread --
Borne on the wars they brought everywhere --
That blessed are the poor and the hungry
For they will be rewarded in the afterlife,
This only the meteoric mind understands.
Third, the bearing of arms.
For nothing will put an end to imperialism,
But a revolution.
We will call this the true love,
From the heart that burns;
After educating the masses:
The uprising;
After seeing the love for freedom blossom:
The people's war wrought constantly
In song, faith, and dreaming
No matter how great the risks,
No matter how distant or protracted.
That is how it is to love truly.
Drawing up fire and light in the vast expanse and in forests,
Love will bloom,
Like the revolution,
For what is life worth if one has not loved,
And how is it to love if love be untrue.

ANG REBOLUSYONISTA