Friday, June 18, 2021

 

SA MGA KAIBIGAN: PROTESTANG TUMBANG-PRESO, BATAS MILITAR, AT IBA PANG ALAALA NG PAKIKIBAKA

(Para kay Rey, Cora, Aster, Edvil, sa alaala ni Doc Pablo Botor at sa lahat ng mga kaibigan, "kahapon, ngayon, at bukas.")
       - Nonilon V. Queano19 Hunyo 2011


Sa kaibuturan, ang pinaghugutan ng pananalig
Ay diwang sinlinaw ng payapang dagat sa tanghaling tapat--
Sa liwanag, nilagom ang mundo--
At pusong tumitibok ng di masukat
Na pagmamahal sa sambayanan:
Doon napapanday ang tapat
At pinakamatimyas na pagkakaibigan.
Sa tagal ng panahong tinahak
Sa maraming alaala ng paglaban.
 
Sa panahon ng tagsibol at pamumulaklak
Ipinunla ang halamanan ng pananalig
Sa dawag ng pamantasang larawan din
Ng malakolonyal at malapyudal na lipunan,
Sumibol at yumabong ang pagkamulat;
Sa pagitan ng pagsusunog-kilay at harana ng eskuwela,
Ang gunita ng unang digma.
 
Ganoon lagi ang simula
Tila musmos na naglaro ng tumbang preso
O nanungkit ng kamatsile’t aling-aro,
Ang hagod sa demonstrasyon at protesta
Naroong dinadaan ang pagtutol
Sa himig ng “Paruparong Bukid”
“May isang Dekano na lilipad-lipad/Sa tabi ng daan’y papagapagaspas,” ang isinisigaw
O ang kuwentong “Joel de los Diablos” ng guro
Na inakalang espiyang nagturo
Sa mga guro’t estudyanteng aktibista.
Mga kuwento’t manipestong nalathala sa Umaga,
Sa mga unang panahon ng pagkamulat at paglaban,
Awit-sigaw ang bandilang,
May kasabot pang gitara::
“Burukrata kapitalismo/Ibagsak!
”“Pyudalismo/Ibagsak!”
“Imperyalismo/Ibagsak!”
 
Hanggang mapanday nang lubos sa hagupit
Ng batas militar sa rehimeng Marcos,
Sa una’y tila lagim na gigimbal
Tulad ng pagsalikop ng lupa at langit
Sa unang panahon ng mga romansa’t panaginip.
May mga nakatakas ngunit marami ang ipiniit,
Ang mga magkakaibiga’y naghiwalay;
 
At sa hanay nating di tumiklop kailanman,
May napadpad sa malayo sa paghahanap
Sa Tsina at sa Europa,
May nakulong at nagsipaghintay,
May isang Dekanong kasama rin natin
Na patuloy sumuporta hanggang mamaalam,
At may gerilyero’t gerilyerang lumubog
At nakipamuhay sa masa.
At himalang nagsupling pa
Ng panibagong kasama
Ngunit lahat ay lalo pang nagsilago
Tulad ng matatayog na punong
Kay lalabay ba ng sanga,
Nakayungyong sa sambayanang
Hanggang ngayo’y naghahanap ng paglaya.
 
Dumaan ang mga taon
Ang mga musmos ng protestang tumbang-preso’y
Naroroon at marahil ay tumanda na
Nagkalayo at malaong di nagkita
 
Subali’t totoo ngang ang pananalig sa paglaya ay halaman
Na likas na tumutubo sa lupa o sa dagat,
Mayroong pagmamahal na dalisay
Sinlinis ng batong kristal
Na di maigugupo ninupaman, kailanman
Nakalutang sa langit o nakakubli sa gubat
Tulad ng pagmamahal sa laya,
Yao’y batas kalikasan.
Totoo na sa tagal ng paghahanap at paglaban
Ang mga nagkalayo’y muli't muling bumabalik,
Gaano man kalayo ng nilipad at narating
Sa dulo ng binubuong pangarap
Nagtatagpo, nagkikita kahit na magdapitahapon
Ang nagsimpan ng pag-ibig
Mga tapat at lantay na kasama,
Magigiting at hindi malimutang kaibigan.

Wednesday, June 2, 2021

NOTHING TO FEAR ABOUT THE REVOLUTION
- Nonilon V.Queano/13July2014/New York City

There should be no worry about the goals of the revolution:
Freedom, justice, peace
And, thus, happiness and a bountiful life for all,
And honest and true love.

Uncomplicated, too, what needs be done
To fulfill them:
Distributing equally and reasonably
The wealth of the world,
Harmonizing all hopes of living freely and in peace.

There should not have been any fear:
Even at first glance and on cursory reckoning,
It is clear that nature's riches are more than enough
To meet the needs of every human being on earth --
Considering breadth, depth, height, thickness, size
Of the earth, seas, mountains, forests,
In the diurnal rotations of things;
Never will run out
Nature's supply of food, water,
And even provisions available for the luxurious indulgences
Of every creature
Anywhere, at any time.

And yet questions fly about continuously.
Let us grant
That there was one who thought ahead of everyone else
Of how to collect, cook and eat, utilize, play
With every item that nature has given;
Grant that someone discovered before everyone else did,
Some new place or some new method
Of putting to full harness, nature's resources
To serve mankind,
Including those showered from above
By Him we call God,
Who, we hope, truly exists in all things in the sky, on earth,
And in every creature that He created;
Let us grant that every man or woman is different:
In color, shape, intelligence, talent, form, language,
Parent, ancestry,
Place where one grew up
Time, when existed.

Still, that should give no reason for anyone
To outdo or exploit the other,
No reason to compete with everyone;
No reason to make war.
Weren't there, indeed, not a few times in history
When, like little children waking to the dawn,
We also dreamt truly
Of unity and selflessness.
Stamping our footprints, too,
Upon the dew that gathered
At daybreak.

Now, how is it that,
Instead of love,
Or sharing of what was collected and found,
Or offering to serve,
Or building trust, cooperation,
And hoping that all, at the same time,
Would truly live with one another
Happily.

How is it that, instead, reign greed,
Envy, violence, exploitation,
Oppression, madness,
Alienation, loneliness,
Bloodthirsty aggression
Fear sown by the may-lightning-strike -them
High and mighty;
Treachery;
Evil intentions;
Mindless and unending killings
Of children, the weak, the innocent, the poor and wretched,
By the most evil, greedy, heartless scoundrels,
Playing like kings and rulers
And exploding scenes
Of bloody unimaginable suffering and poverty;
Gory wars of conquest
Brought upon those too weak to fight back,
Those whose only wish all throughout
Was for peace and quiet lives,
Warm days and nights
Caressed by the gentle hum of wind and rain,
The haunting melodies of a song,
Poem, beauty,
Playing everyday to lives that are forever free.

There is nothing to fear about the revolution.
Like that of the ordinary dreams
Of ordinary men and women
In a wondrous world,
A dream of harmony and peace and sharing,
Of hearts honest and pure,
Loves that are true and constant;
Of a day when no one among the oppressed and dispossessed,
Would ever fall and die or be sacrificed
In wars brought about by madness
And the greed of men,
A dream of a good life in freedom.
Hanggang kalayaan!

FILIPINO VERSION:

(WALANG SUKAT IKABAHALA SA REBOLUSYON
-- Nonilon V. Queano/13July2014/New York City

Wala namang sukat ikabahala sa adhika ng rebolusyon:
Kalayaan, hustisya, kapayapaan
At samakatwid, ligaya't kasaganaan para sa lahat
At pagmamahal.
 
Payak din lamang ang kailangan
Upang ito'y matupad:
Ibahagi nang pantay-pantay at makatwiran
Ang kasangkapang-yaman ng mundo,
Pag-isahin ang mithiing mabuhay nang payapa at wagas.
 
Wala naman sanang hadlang:
Sa unang tanaw at pagtaya pa lamang,
Kitang-kita na labis-labis ang yaman ng kalikasan
Para sa kailangan ng lahat ng tao sa daigdig --
Sa lawak, lalim, kapal, taas, laki
Ng kalupaan, tubig, bundok, gubat
Sa pag-inog-inog ng gabi at araw,
At di mauubos kailanman
Ang pagkukunan ng pamatid gutom, uhaw,
Pati na nga luho
Ng bawa't nilalang
Saanman at kailanman.
 
Dangan't mga tanong ay nagsasalimbayan.
Sabihin nang may naunang makaisip
Kung paano likumin, iluto't kainin, gamitin, paglaruan
Bawa't biyayang dulot ng kalikasan;
Sabihin nang may nakaunang tumuklas
Sa mga lugal at pamamaraan,
Kung paano mapagsilbing-lubos ng tao
Ang lahat ng yamang likas,
Pati na biyayang isinabog para sa lahat
Ng sana nga ay nasa-langit-nasa-lupa-
Nasa-lahat-ng-kanyang-ginawang
Maykapal;
Sabihin nang may likas na pagkakaiba bawa't tao:
Sa kulay, hugis, isipan, talino, tindig, tatas ng dila
Magulang, ninuno
Kapaligirang pinaglakhan,
Panahong kinabuhayan,
 
Hindi rason yaon upang magpataasan ng ihi
At maglaban-laban.
At maraming panahon't buong kasaysayang,
Tila mga musmos sa bukangliwayway,
Tayong nag-asam ring tunay
Ng pagkakabuklod at pagbibigayan.
Sa kristal na hamog pagsilip ng araw,
Mayro'n pa ngang bakas tayong iniwanan.
 
Papaano nga ba na sa halip na paglingap,
Bahaginan ng nalikom at natuklas, paglilingkod, 
Katapatan, pagtutulungan, at pagsisikap
Upang lahat ay makapamuhay nang masaya
At tama, sabay-sabay,
 
Paano nangyari na ang nanalasa ay kasakiman,
Pag-iimbot, dahas, pagsasamantala,
Kawalang-asal, pang-aapi, kawalang-katinuan,
Pag-iisa, kalungkutan,
Hayok-sa-dugo't walang patumanggang
Pagkakalat ng lagim ng mga tinamaan ng lintik
Sa kayabangan,
Pagtatakssil;
Sa buktot na nasa,
Walang habas at di matapos-tapos na pamamaslang
Sa mga musmos, walang laban, walang-malay, dukha't hilahod sa hirap,
Ng mga ubod ng sama, sakim, at mga pu....   walang pusong
Naghari-harian at nagpasabog
Ng di-masukat na pagdarahop
At mga digmaang pananakop
Sa mga walang kalaban-laban,
Na nag-asam lamang sa buong panahon ng laya,
Tahimik na buhay,
Na sana'y sinusuyo-suyo sa mga tahimik na araw
Ng mga sariwang dapyo ng hangin at ulan,
Sa himig ng awit,
Tula, kagandahan
Sa inaraw-araw ng malayang buhay.
 
Wala namang sukat ikabahala sa rebolusyon.
Tulad ng pagkaraniwang pangarap,
Ng pangkaraniwang tao
Sa payapang daigdig,
Ang pagkakabuklod at pagbibigayan,
Matapat na puso, tunay na pag-ibig
Ang araw na walang bubulagta't magbubuwis-buhay
Na mga inapi't inagawang-yaman
Ng buwaya't ganid
Sa mga digmaan,
At ang tahimik na buhay na may kalayaan.)