Friday, January 2, 2015

ANG LAHA/T NG SANDALI/ My song for the New Year 2015/ Music and lyrics mine




ANG LAHAT NG SANDALI
- Words and music by Nonilon V. Queano
(Melody line idea sans coda/refrain composed in August, 2014; words and music finalized and completed on 2 January 2015)


1.
Ang lahat ng sandali sadyang naglalakbay
Lagi nang paimbulog sa lawak ng araw
Tila ba kahapon lang paslit na naparaan
Ngayo’y nagbabalik daigdig ay pasan

Papaano ba tutuloy ang paggalaw?

2.
Sa ibabaw ng hirap minsan’y nangingiti
At sa bawa’t pagluha yakap ang sandali
Ang mga nakaniig na sinta’t kaibigan
Sa maulap na landas hirap  masilayan

May panahon bang maidlip?

(Coda)
At ngayong Bagong Taon muli’t muli’y inaaninag
Ang araw ng pag-ibig sana’y walang wakas
Sa gitna ng mga awit at pagdiriwang,
Ang pusong naglayag, laging lumilisan

3.
Ang lahat ng sandali ngayo’y papalayo
Tila ba hangin lamang tayong bumubugso
Ngunit pag-asay buhay kahit magpakailanman
At bukas pamuling sisikat ang araw

(Repeat 1)



No comments:

Post a Comment