Saturday, February 14, 2015

PAG-IBIG AT PAKIKIBAKA



https://www.youtube.com/watch?v=u0EL2KJvxTc






PAG-IBIG AT PAKIKIBAKA
-  Music and lyrics:  Nonilon V. Queano/14February2015

1.
Nais ko lang muna sanang magpasalamat
Sa lahat ng mga ginawa mong pagmumulat
Maraming pagkakataong sa hirap di makaalpas
At ang pag-asa’y palayong lumilipad

2.
Dumadaan ang oras ng mga pagsubok
Ngunit alam kong hindi manghihina ang loob
Sa tag-ulan o tag-unos  patuloy ang ‘yong pagkilos
At sa umaga sana tayo’y aabot

Refrain:
Sadyang mayroong panahong  lahat tila nagtatagal
Hindi alam kung kailan kita muling matatanaw
Subali’t ang pag-ibig na sa digmaan ay pinanday
Sinlawak ng kalawakang lagi nating nilalakbay

3.
Sa pamuling paglisan pagdadapithapon
Hindi tiyak kung hanggang kailan ang pagsulong
Marahil ay ilang buwang tayo muling maglalayo
Ngunit yakap yakap kita sa ‘king puso.

No comments:

Post a Comment